P.6-milyong soy meal narekober

GUIGUINTO, Bu­lacan, Philippines — Isang ten wheel­er truck na pina­niniwa­laang hinayjak at naglala­man ng P.600m halaga ng soy meal ang narekober sa isang bahagi ng Ca­gayan Valley Road, Brgy Sta. Rita.

Sa ulat ng pulisya, isang residente ang nag-report dito dakong alas-10:30 ng umaga at isinumbong ang isang truck na may plakang CNB-392 ang nakatigil sa naturang lugar at nang siyasatin ay natagpuan sa loob nito ang 441 sako ng Argentina soy meal at pag-aari ni Jo­nathan Andrew Lim.

Ang nasabing truck ay mula sa Elisco Road, Brgy Ibayo-Ti­pas, Ta­guig City at ide­­deliber sa Pines Farm sa Dau, Maba­lacat, Pam­panga ngu­­nit hin­­ di ito naka­rating kaya agad na pinag­hanap.

Posible umanong tinangay ng mga hijackers ang driver ng truck na si Gerald Taruc at Joseph Rado­nes at ina­ban­dona na lang ang kargamento. Patuloy na pinagha­hanap ng mga oto­ ridad ang mga sus­pek. Boy Cruz

Show comments