^

Probinsiya

Konsehal kinasuhan

-

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Pormal na sinampahan ng reklamo sa piskalya ang isang konsehal na umano’y nasa likod ng pamamaril sa assistant ng isang broadcaster sa Barangay Bagna ng bayang ito.

Kasong frustrated murder ang isinampa laban sa suspek na si Jeff Tansinsin, 29, residente ng Brgy Ba­lubad, Bulakan, Bulakan.

Nakasaad sa reklamo ni Rommel Ramos, broadcaster ng DWSS at string­er din sa GMA-7, binaril ang kan­­yang assistant na si Erwin Bunag, 35, noong nakaraang Sabado da­kong alas-11:30 ng gabi malapit sa bahay nito sa Brgy. Bagna.

 Papauwi na umano ang biktima sa­kay ng kanyang motorsiklo nang aksi­dente nitong nasagi ang na­kapara­dang motorsiklo ng suspek na may plakang 7777-CM kung saan ang huli ay nakikipag-inuman sa ilang mga kaibigan nito. Agad na bumaba ng kanyang sasakyan ang biktima at itinayo ang nabuwal na motor ng suspek ngunit laking gulat na lang nito nang bigla na lang ma­karinig ng dalawang sunod na putok ng baril.

Ilang saglit pa ay nakita ng bik­tima na duguan ang kanyang balikat kaya agad na tumakbo at humingi ng tu­long kay Ramos na malapit ang ba­hay sa pinangyari­han ng in­sidente. Mabilis naman na naka­hingi ng tulong ang mga biktima sa mga rumespon­deng pulis at nakum­pirma mula sa Fire­arms and Explosive division ng Philippine National Police na naka­rehistro kay Tan­sinsin ang .45 cal na pinagmulan ng bala na tumama kay Bunag.

Bunsod nito, kinondena ang na­sa­bing panghaharass sa dala­wang me­diamen ng pamunuan ng National Union of Journalists of the Philippines, Freedom Fund for Filipino Jounalists, Center for Media Freedom and Responsibility, Bula­can Capitol Press Corps at Central Luzon Media Association. Boy Cruz

BARANGAY BAGNA

BOY CRUZ

BRGY BA

BULAKAN

CAPITOL PRESS CORPS

CENTRAL LUZON MEDIA ASSOCIATION

ERWIN BUNAG

FILIPINO JOUNALISTS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with