Graft isinampa vs ex-mayor at asawa
BATANGAS, Philippines — Hinatulan ng Sandiganbayan na makulong ng 20-taon ang isang dating alkalde ng Taal at asawa nito matapos mapatunayang nagkasala sa kasong katiwalian.
Sina Librado Cabrera at Fe Cabrera na kapwa naging dating alkalde ng Taal ay napatunayang guilty sa dalawang bilang ng kasong katiwalian dahil sa umano’y maanomalyang pagbili ng mga gamot at iba pang medical supplies bidding. Bukod dito, kaanak ng mag-asawa ang presidente at general manager ng Diamond Laboratories Inc., na kinuhanan ng medical supplies.
Pinababalik ng Sandiganbayan - 4th division sa mag-asawang Cabrera ang P198,6399.49 na ginastos ng mga ito sa mga hindi otorisadong biyahe. Si Librado ay naging alkalde noong 1995 hanggang 1998 at pinalitan siya ng kanyang asawa na si Fe mula taong 1998 hanggang 2001.
Hindi tinanggap ng Sandiganbayan ang katuwiran ng mag-asawang Cabrera na maituturing na emergency purchase ang pagbili sa mga gamot kaya hindi na ito dumaan sa public bidding. Arnell Ozaeta
- Latest
- Trending