Magkaibigan itinumba sa bar
November 20, 2009 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Kamatayan ang sinapit ng magkaibigang lalaki makaraang pagbabarilin habang nag-iinuman ng alak sa loob ng videoke bar sa Barangay Malabanban Sur sa bayan ng Candelaria, Quezon kahapon ng madaling-araw. Kinilala ni P/Supt. Renato Alba, Candelaria police chief, ang dalawa na sina Catalino Luistro, security guard; at Jeffrey Balbuena, kapwa residente ng Barangay Sta. Catalina Sur, Candelaria. Ayon sa police report, masayang nag-iinuman ng alak ang dalawa sa loob ng Sally Videoke Bar nang lapitan at ratratin ng maskaradong lalaki bandang alas-12:15 ng madaling-araw. Patuloy pa ring inaalam kung ano ang motibo ng pamamaslang. Arnell Ozaeta
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest