Sementeryo para sa Muslim itatayo

BATAAN  , Philippines — Inaprubahan na kahapon ng Sangguniang Pan­lalawigan ang resolusyon na magbibigay ng kapangya­rihan kay Bataan Governor Enrique Garcia Jr. na makipag-uganayan sa may-ari ng lupa para sa pagkakaroon ng sariling libingan ang may 15,000 Muslim sa bayan ng Dinalupihan, Bataan. Tinukoy na ng provincial government ang pagtatayuan ng libingan ng mga Muslim sa Barangay Colo, Dinalupihan na may sukat na 1.7 ektaryang lupain.

Hindi makakaila na ang pina­kamalapit na sementeryo ng mga Muslim ay nasa Ca­banatuan City, Bulacan, Subic at sa Taguig City.Kaugnay nito, iminungkahi ni Board Member Gaudencio Ferrer na hindi lamang dapat eksklusibo para sa mga Muslim ang ipatatayong sementeryo at imbes ay gawin itong common municipal cemetery.

Sinang-ayunan naman ito ni Board Member Angel Peli­glorio, Jr. sa pagsasabing dapat na maging flexible ang lokal na pamahalaan sa tradisyon ng mga Muslim. Jonie Capalaran

Show comments