5 kilo na marijuana nasamsam

MANILA, Philippines - Aabot sa limang kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasamsam ng pulisya sa pampasaherong bus sa bayan ng Talaca, Kalinga, ayon sa pulisya ka­hapon. Sa report ni C/Insp. Tessie Sarmiento na na­karating sa Camp Crame, ang limang kilo na marijuana ay nakasilid sa limang kahon kung saan na­diskubre sa compartment ng Dangwa Bus Liner na may plakang AYC 439.

Napag-alamang isinakay ng dalawang ‘di-pa kilalang lalaki ang mga kahon ng marijuana sa bayan ng Nambaran, Tabuk, na nakapangalan sa isang Jordan Telan. Ricky Tulipat

Show comments