Dalagita dedo sa frat initiation

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Maagang nagwakas ang kinabukasan ng isang tinedyer makaraang aksiden­teng mabaril sa isinasaga­wang fraternity initiation sa bayan ng Biñan, Laguna ka­makalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Supt. Manolito Labador, Laguna police director, ang biktimang si Glacy Monique Dimaranan, 15, high-school student ng Lake­shore National High School at residente ng Barangay San Antonio, Biñan, Laguna.

Arestado naman ang mga suspek na sina Erwin Del Rosario, 33; adviser ng Scout Royal Blood Fraternity; Richard John Layacan, 28; at apat pang kabataang pawang mga menor-de-edad.

Samantala,pinaghahanap naman ang iba pang suspek na sina Edwin Salandanan at Liberty Del Rosario.

Ayon sa police report, tinutukan ng baril ni Salan­danan ang ulo ng biktima hanggang sa ito ay pumutok bandang alas-6:30 ng gabi sa #228 Miranda Apartment, Barangay San Vicente, Biñan, Laguna.

Sa isinagawang follow-up operation, narekober mula sa mga suspek ang isang slug ng 9mm, 2 bala ng baril, 4 pad­dles, cal. 22 rifle, ibat-ibang bala at mga drug pa­rapher­nalias. Arnell Ozaeta at Ed Amoroso  

Show comments