P.3-milyong ari-arian naabo

BULACAN , Philippines  – Tinatayang aabot sa P.3 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang dalawang tindahan ng paputok at dalawang video­ke bar kahapon sa Barangay Turo sa bayan ng Bocaue, Bulacan. Naabo ang dalawang tindahan ng paputok na pag-aari ng mag-utol na Hernani at Daniel Santiago kung saan nada­may din ang dalawang videoke bar na pag-aari naman ni Norma Boluntad. Wala naman iniulat na nasawi o nasugatan matapos maapula ang apoy. Boy Cruz

Show comments