Habambuhay sa 2 killer ng kolehiyala
LAGUNA , Philippines – Dalawa sa pitong akusado sa pagpatay sa 22-anyos na estudyante ng Philippine Women’s University noong October 2004 ang hinatulan ng korte ng habambuhay na pagkabilanggo kamakalawa ng umaga.
Sa 39-pahinang desisyon ni Judge Marino E. Rubia ng Regional Trial Court Fourth Judicial Region Branch 24, guilty beyond reasonable doubt sina Gilbert Ronquillo at Aldrin Bagos.
Inatasan din sina Ronquillo at Bagos na magbayad sa pamilya ng biktima ng P50,000 para sa kalungkutan at paghihirap na idinulot nito, P546,564.94 para sa actual damages; P200,000 para sa moral damages at P100,000 para sa exemplary damages.
Pinawalang sala naman ng korte sina Bienvenido Nicdao, Jr., Pedro Pablo Jr., Ruben Seyritan, Maria Cecilia Mercado at Jansen Malitic dahil sa kakulangan ng ebidensya sa kasong murder.
Sina Ronquillo at Bagos ay itinurong responsable sa pagpatay kay Jaimarie Reyes, isang fourth year Hotel and Restaurant Management student noong October 10, 2004 sa Sta. Rosa City, Laguna.
Ang bangkay ni Reyes ay natagpuan sa madamong bahagi ng South Luzon Expressway sa Sta. Rosa, Laguna noong October 9 na pawang may mga tama ng bala ng baril at mga saksak.
Napag-alamang hinarang nina Ronquillo, Bagos, Nicdao at Pablo ang sasakyan ni Jaimarie sa may Los Baños bago pinagbabaril ni Ronquillo ang dalagang bumigo sa kanyang pag-ibig.
Naaresto rin ang mga suspek matapos maaktuhang Tsina-chop chop ang kotse ni Reyes sa Padre Garcia, Batangas. Arnell Ozaeta
- Latest
- Trending