Trader uli dinukot sa Lanao

MANILA, Philippines - Isa na namang negos­yante ang iniulat na dinukot ng mga armadong kalala­kihan kamakalawa ng gabi sa bayan ng Mulondo sa Lanao del Sur.

Napag-alamang lulan ng pampasaherong jeep­ney si Sambolayan Maca­pantaon na patungong Marawi City nang harangin at dukutin bandang alas-7 ng gabi kung saan sina­sabing hindi na ito naka­palag.

Sa tala ng pulisya, dinu­kot din sa Lanao del Sur noong Oktubre at nanana­tiling bihag ng mga arma­dong kalalakihan ang architect ni Department of Agrarian Reform Secretary  Nasser Panganda­man na si Pablo Mercado.

Samantala, pinanini­walaan ding itinatago ng mga kidnaper ang bihag na si Irish Priest  Fr Michael Sinnot na dinukot noong Oktubre 11 sa Pagadian City, Zamboanga del Sur. Joy Cantos

Show comments