RIZAL, Philippines – Upang hindi na maulit at maiwasan ang malawakang pagbaha na sinasabing nagpalubog sa may 70 porsiyento ng probinsya, nagpalabas ng moratorium ang Sangguniang Panlalawigan ng Rizal kaugnay sa suspension ng mga subdivision development. Sa ilalim ng resolution # 244 s. 2009, na inaprobahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Rizal ay pinapayuhan ang mga local na pamahalaan na hikayating ipatupad ang pagpapatigil sa pagbibigay ng development permits sa kanilang nasasakupang munisipalidad. Ang mga bagong subdibisyon ay nagresulta sa pagkawala ng punungkahoy na nagpababa sa kapasidad ng mga watershed na tumanggap ng malaking volume ng tubig. “Umaasa kami na ang mga lokal na pamahalaan ay ikukunsidera ang aksyong ito ng Sangguniang Panlalawigan at kumilos nang nagkakaisa para sa kabutihan ng ating mga kababayan na hanggang sa ngayon ay nasa proseso pa rin ng recovery dulot ng kalamidad ng bagyong Ondoy,” paliwanag ni Rizal Governor Jun Ynares III.