^

Probinsiya

Mag-utol na NPA rebs sumuko

-

BACOLOD CITY, Philippines — Tu­luyan ng sumuko ang mag-utol na rebeldeng New People’s Army mata­pos na hikayatin ang mga ito ng kanilang pamilya sa Negros Oriental.

Ang magkapatid na sina Emma, 36; at Joan ay s­u­muko matapos na sa­mahan ng kanilang ama at kapatid sa tanggapan ni 303rd Infantry Brigade Commander Maximo Caro sa Camp Nel­son Gerona sa Brgy, Mino­yan, bayan ng Murcia, Ne­g­­ros Occidental.

Halos isang buwan din na kinumbinsi ang dala­wang ex-NPA rebs ng pa­mi­­lya nito dahil sa takot na ma­sakote ng military sa tu­wing buma­baba ng bundok.

Kapwa may patong sa ulo ang magkapatid na P550,000 dahil sa kasong rebellion at murder sa bayan ng Guihulngan, Negros Oriental at may pending warrant of arrest kasama ang pa­ring NPA lider na si Frank Fernandez dahil sa pa­na­nam­bang kay dating Can­laon Mayor Jose Cardenas.

Naging miyembro ng NPA si Emma noong 1998 sa ilalim ng Armadong Yunit Pangpropaganda na nag-ooperate sa Canlaon City, Negros Oriental, ha­bang si Joan ay sumapi noong siya ay 15-anyos pa lamang at sinanay bilang assistant squad leader.

Sa kanilang pagsuko, hiniling ng magkapatid na tiyakin ng gobyerno ang ka­nilang seguridad. Ito ay para na rin anila sa kani­lang ki­na­bukasan, bukod pa sa panawagan ng kani­lang pamilya.

Ang pagkakagulo rin sa kanilang grupo ang isa pang naging dahilan ng kanilang pagsuko sa pamahalaan. Antonieta B. Lopez

ANTONIETA B

ARMADONG YUNIT PANGPROPAGANDA

CAMP NEL

CANLAON CITY

FRANK FERNANDEZ

INFANTRY BRIGADE COMMANDER MAXIMO CARO

MAYOR JOSE CARDENAS

NEGROS ORIENTAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with