5 tulay lubog sa baha
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Limang pangunahing tulay na sinasabing nag-uugnay sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Isabela ang hindi madaanan ng anumang uri ng sasakyan makaraang lumubog sa tubig-baha kamakalawa.
Kabilang sa mga tulay na lumubog ay ang overflow bridge ng Alicaocao sa Cauayan City, Isabela; overflow bridges ng Gucab at Annafunan sa bayan ng Echague, Isabela; overflow bridge na nag-uugnay sa mga ba yan ng Sta. Maria at Cabagan; tulay na nag-uugnay sa Sto. Tomas at Cabagan, Isabela; at ang Pigalo bridge na nag-uugnay naman sa mga bayan ng Angadanan at San Guillermo, Isabela.
Bukod sa mga nabanggit na tulay ay hindi na rin madadaan ang mga maliliit na tulay na nag-uugnay sa ilang barangay sa Ilagan, ang kabisera ng Isabela dahil sa pagtaas ng tubig sa Pinakanawan at Abuan River.
Pinayuhan naman ng mga awtoridad ang mga residente na malapit sa Pinakanawan River, Cagayan River at Abuan River na lumikas sa mas mataas na lugar sa pangamba na magpapatuloy pa ang pagtaas ng tubig dahil sa buhos ng ulan. Victor Martin
- Latest
- Trending