^

Probinsiya

Turismo sa Baguio namayagpag uli

-

BAGUIO CITY, Philippines – Muling sumigla ang turismo sa Baguio City kung saan unti-unti ang pagdagsa ng bakasyunista matapos manalasa ang magkasunod na bagyo na nagre­sulta sa pagkawasak ng mga kalsada.

Sa tala ng Hotels and Restaurants Association of Baguio, umakyat na sa 60 porsiyento ang booking sa mga hotel at inns kumpara noong nakalipas na linggo kung saan zero occupancy ang mga hotel.

Dumagsa na rin ang turista simula pa noong Biyernes dahil sa tatlong araw na holiday na simulan ang All Souls and Saints Day na magtatapos ngayon.

“We are slowly inching our way up, as vehicular traffic as early as Thursday began to pile up especially along major streets in Baguio,” pahayag ni Anthony de Leon, chairman ng hoteliers group. 

Napag-alaman din na nagsimulang magbigay ng discount ang iba’t ibang establisamento para maiangkat muli ang turismo sa nabanggit na lungsod.

Plano ng Baguio Tourism Council na magbigay ng disku­wento ang lahat ng establisamento na tatagal ng 60-araw.

Kasunod nito, nakahanda na ang iba’t ibang aktibidades para sa turismo tulad ng WOW Philippines sa buwang kasa­lukuyan at Christmas sa Baguio sa Disyembre kung saan magbabakasyon ang First Family. Artemio Dumlao

vuukle comment

ALL SOULS AND SAINTS DAY

ARTEMIO DUMLAO

BAGUIO

BAGUIO CITY

BAGUIO TOURISM COUNCIL

BIYERNES

DISYEMBRE

DUMAGSA

FIRST FAMILY

HOTELS AND RESTAURANTS ASSOCIATION OF BAGUIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with