2 namaril sa mag-asawa tiklo

ZAMBALES , Philippines  – Dalawang kalalakihan na sinasabing pangunahing suspek sa pamamaril sa mag-asawa sa bayan ng Sta. Cruz, Zambales ang naaresto ng pulisya sa bisinidad ng Barangay Ma­ngaldan, Pangasinan ka­makalawa. Pormal na kinasuhan ang mag-utol na suspek sina Marcellano “Juaning” Modelo,47, at Rimando “Pedro” Modelo, 50, kapwa nakatira sa Barangay Bayto, Sta. Cruz. Nabatid na ang mag-utol na Modelo ay nag­tago makaraang mapatay si Ricardo Esmar, habang kritikal naman ang asawang si Mary, 41, na kilalang faith healer sa nabanggit na barangay. Ayon kay P/Senior Supt. Rolando Felix, na pinaghinalaan ng magkapatid na ang mag-asawang Esmar ay kapwa mangkukulam kung kaya’t pinagplanuhan para mapatay. (Randy Datu)

Show comments