ANTIPOLO CITY, Rizal, Philippines – Sinuspindi na ng provincial government ang lahat ng mining permit kaugnay sa napaulat na patuloy na illegal mining operation na nagdulot ng matinding pagbaha sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Rizal.
Sa ipinalabas na Executive Order, inatasan ni Rizal Gov. Jun Ynares III ang Mines and Geo-sciences Bureau, local na sangay ng Department of Environment and Natural Resources, Provincial Mining Regulatory Board, Mines Rehabilitation Fund Committee at ang Multi-Partite Monitoring Team na nagsagawa ng spot survey at assessment sa mga lugar na winasak ng nagdaan bagyong Ondoy sa lahat ng mining at quarry operation sa nabanggit na lalawigan.
“The unprecedented havoc and major devastations brought about by tropical storm Ondoy compelled me to suspend all mining operations and related activities including quarrying and blasting through explosives for mineral extraction, permitted by the provincial government,” pahayag ni Governor Ynares
Inatasan din ni Governor Ynares ang director provincial police na si P/Senior Supt. Ireneo Dordas na ma-implement ang executive order even.
Napag-alamang may mga quarry operator na sinasamantala ang paggamit ng permit para mag-extract ng lupa at ilang mineral sa nabanggit na lalawigan kung saan para lamang sa pagbabakod, drainage at development ng proyekto sa iba’t ibang barangay.
Sa naunang ulat ng Mines and Geo-science Bureau ng Department of Environment and Natural Resources, lumilitaw na karamihan sa mga quarry operation ay binigyan ng permit para sa site development, kung san nahihirapan ang ahensya na masuri ang mga parameter ng kanilang operasyon.
Samantala, kinasuhan ang apat ang quarry operator na sina Julius V. Moldes, Bhona Agoncillo, Roy Sungcuan at si Popoy Rodriguez makaraang maaktuhang iligal na nag-extract mineral sa bahagi ng Barangay San Jose, Montalban noong Oktubre 13, 2009.