Bike vs truck: Varsity player dedo

ORMOC CITY, Leyte, Philippines – Isang college varsity player ng Eastern Visayas State University ang kumpirma­dong namatay habang kriti­kal naman ang kaibigan nito makaraang sumalpok ang ka­nilang motorsiklo sa naka­paradang tanker truck sa gi­lid ng highway sa Barangay Dolores, Ormoc City noong Lunes ng gabi.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Nilo Donayre, kinilala ang nasawi na si Alvin Gallardo y Velasco, 19, ng Brgy. Tongonan, Kananga, Ley­te habang ginagamot naman sa OSPA hospital si Albert Napoles y Plaza, 23.

Samantala, sumuko na­man sa pulisya ang drayber ng tanker na si Danilo Ca­dano y Condeza, 36, ng Bais City, Negros Oriental.

Ayon kay P/Insp. Mark Nal­da, papauwi na ang mag­kaibigang lulan ng motorsiklo nang sumalpok sa tanker (CUS 168) ng GT Trucking na pag-aari ni Larry Tan ng Du­maguete City.

Napag-alamang kumain muna ang drayber ng tanker kasama ang kanyang tatlong pahinante sa isang karin­derya at papaalis na sana pa­tungong Tongonan, Kana­nga, Leyte nang sumalpok ang motorsiklo ng dalawa. Naba­ tid sa pulisya na walang helmet ang drayber ng motor­siklo at sinasabing wala ring headlight. Roberto Dejon

Show comments