Ina inutas, ama nag-suicide

NUEVA VIZCAYA, Philippines — Matapos patayin sa sakal ang kanyang misis, nagbigti naman ang mister sa loob ng kanilang bahay kamakalawa sa Barangay Villa Coloma sa bayan ng Bagabag, Nueva Vizcaya. Kinilala ng pulisya ang mag-asawa na sina Emily Drilo, 32; at Rolando Drilo, 34, tubong Santiago City-Isabela. Ayon kay P/Chief Insp. Joseph Dela Cruz, hepe ng Bagabag PNP, nadiskubre ang bangkay ng mag-asawa ng kanilang anak na limang taong gulang kung saan humingi ng tulong sa kapitbahay na si Ben Taylod. Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na pinatay s a sakal ang babae bago nagbigti ang mister kung saan huling namataan buhay ang mag-asawa na nag-aaway sa loob ng palengke. Victor Martin

Show comments