Hipag tinodas ng bayaw

CAVITE, Philippines  – Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 28-anyos na misis ng kanyang bayaw kamakalawa ng hapon sa loob ng panaderya sa bayan ng Rosario, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Andrea Donor, live-in-partner ng kapatid ng suspek na si Gerald Ilustre, 27.

Sa police report, nag-aayos ng panindang tinapay ang biktima nang lapitan at saksakin. Pormal naman kakasuhan ang suspek habang nakapiit sa himpilan ng pulisya. Cristina Timbang

Show comments