KIDAPAWAN CITY , Philippines – Isang alagad ng batas na sinasabing nagtataglay ng agimat ang nakaligtas sa apat na tama ng bala ng baril sa dibdib kamakalawa ng gabi sa Barangay Poblacion sa bayan ng Kabacan, North Cotabato.
Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital sa Kidapawan City si SPO2 Marcelino Bautista, in-charge sa communications ng Kabacan PNP. Base sa police report, si SPO2 Bautista ay nag-aayos sa pag-aaring tindahan sa loob ng palengke nang lapitan at ratratin ng ’di-pa kilalang lalaki.
Sa kabila ng dami ng tama ng bala na tinamo, himalang nakaligtas ang biktima na pinaniniwalaang may agimat laban sa mga bala ng baril. Malu Manar