^

Probinsiya

Kinidnap na 5 kawani pinalaya

-

MANILA, Philippines - Pinalaya na ng mga kidnaper ang lima sa pitong kawani ng Department of Environment and Natural Resources sa Agusan del Sur noong Linggo ng gabi.

Sa ulat ni P/Chief Supt. Lino Calingasan na isinu­mite sa Camp Crame, Ka­bilang sa mga pinalaya ay sina Gabriel Arlan, Rito Espinido, Jovito Perater, Eufredo Pohadas, at si Eduardo Abugatal kung saan naunang pinalaya sina Emeliano Gatillo Jr. at Efren Sabuero sa bayan ng Sibagat sa Agusan del Sur noong Huwebes ng gabi.

Napag-alamang isa sa nakipagnegosasyon sa mga kidnaper ay si Natio­nal Commission on Indigenous People Regional director Jake Dumagan.

Matapos ang paglaya ng mga biktima ay agad na dinala sa Barangay Am­payon kung saan sinalu­bong ni Butuan Bishop Juan De Dios Pueblos.

Nilinaw naman ni Cali­ngisan, na walang ransom na ibinayad sa mga kidnaper para sa pagpapalaya sa mga biktima.

Ang pitong kawani ay di­nukot ng grupo ni Leandro “Andot” Behing, disgruntled Monobo tribal chieftain, habang nagbabantay sa checkpoint ng DENR sa may Anticala-Tagibo area noong Oktubre 20. Ricky Tulipat

vuukle comment

AGUSAN

BARANGAY AM

BUTUAN BISHOP JUAN DE DIOS PUEBLOS

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

EDUARDO ABUGATAL

EFREN SABUERO

EMELIANO GATILLO JR.

EUFREDO POHADAS

GABRIEL ARLAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with