MANILA, Philippines - Malagim na kamatayan ang sinapit ng mag-asawang matanda makaraang makulong sa loob ng nasusunog nilang tahanan sa Barangay Sangi Pajo, Lapu-Lapu City kahapon ng madaling-araw.
Nagmistulang uling ang bangkay nina Eugenia at Paulo Patalinghog.
Sa sketchy report ng pulisya na nakarating kahapon sa Camp Crame, nabatid bandang alas-2 ng madaling-araw nang magsimulang kumalat ang apoy habang mahimbing na natutulog ang mag-asawang matanda sa loob ng kanilang tahanan.
Naalimpungatan na lamang ang mag-asawa matapos na magliyab ang kanilang kuwarto kung saan bagaman nakasigaw pa at humihingi ng saklolo sa kanilang mga kapitbahay ay nabigong maapula ang apoy dahil nasusunog na ang buong kabahayan.
Nabatid na walang kasama sa tahanan ang mag-asawang matanda nang magliyab ang buong kabahayan kung saan nasunog din ang kanilang sasakyan na nakaparada sa likurang bahagi.
Kaugnay naman nito, patuloy naman ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection upang alamin ang pi nagmula ng apoy kung saan sinasabing milyong halaga ng ari-arian ang naabo.