2 dedo sa sunud-sunod na pamamaril

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Dalawa katao ang biktima ng magkahiwalay na pa­mamaril sa Kabacan, North Cotabato kahapon ng umaga.      

Nagbebenta ng kan­yang paninda sa palengke ng Cabacan ang 47-anyos na Maranaw na si Hasan Onte nang lapitan at barilin siya ng hindi pa nakiki­lalang salarin.   

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang mo­tibo sa pamamaril at ang pagkatao ng mga salarin.          

Noong Lunes, binaril at napatay ang magsasakang si Ronald Garbin, 24, ng Barangay Katidtuan, Ka­bacan.          

Naganap ang pama­maril kay Garbin habang minamaneho nito ang XRM motorcycle pauwi ng bahay niya sa Barangay Katid­tuan. Kasama ng biktima ang kanyang misis.

Naisugod pa sa Kaba­can Medical Specialist Hospital si Garbin pero binawian din siya ng buhay doon. Ligtas naman ang kanyang asawa. (Malu Manar)

Show comments