8-anyos dinedo ng adik

MANILA, Philippines - Isang 8-anyos na babae ang kumpirmadong napaslang makaraang saksakin ng isang lalaki na sinasabing adik sa bawal na droga kamakalawa ng gabi sa Pallocan West sa Batangas City, Batangas. Sa inisyal na ulat ng pulisya nakarating sa Camp Crame, biglang pumasok ang suspek na si Delamr Bay, 20, sa tahanan ng biktima at isinagawa ang pananaksak. Hindi na umabot ng buhay sa St. Patrick Hospital ang batang babae na ‘di pinangalanan sa ulat habang mabilis namang tumakas ang suspek. Joy Cantos

Show comments