3 preso pumuga

MANILA, Philippines - Nalalagay sa balag ng alanganing masibak sa tungkulin ang mga bantay at jailwarden sa Zamboanga del Norte pro­vincial jail sa Don Jose Aquirre sa bayan ng Manukan makaraang makapuga ang tatlong preso noong Biyernes. Naglunsad na ng manhunt operation ang pulisya laban sa mga puganteng sina Ernesto Parahi na may kasong rape; Narciso Calesas (robbery) at si Christian Pacubla (robbery at murder). Sa police report na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na gumamit ng duplikadong susi ang mga preso kaya nabuksan ang gate ng selda kung saan tinyempuhang nakalingat ang mga bantay kaya naganap ang jailbreak. Joy Cantos

Show comments