Magtiyuhin nilikida ng NPA

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang magtiyuhin na sinasabing informer ng militar sa panibagong paghahasik ng karahasan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Sta. Cruz, Casiguran, Sorsogon kama­kalawa. Kinilala ng pulisya ang napaslang na sina Leandro Hamor, at tiyuhin nitong si Alexander Haya. Nagpalabas naman ng kalatas ang grupong Bagong Hukbong Bayan ng NPA rebs sa Sorsogon na sila ang responsable sa pagpaslang sa magtiyuhin. Joy Cantos

Show comments