BULACAN , Philippines — Halos nahiwalay sa lalawigan ng Bulacan ang coastal town ng Hagonoy dahil sa hindi na makapasok ang mga light vehicle sanhi ng backflood mula sa Pantabangan Dam sa Nueva Ecija.
Ayon kay Vice Mayor Elmer Santos, hindi makadaan ang mga kotse, van at traysikel sa Hagonoy-Calumpit Road at Hagonoy-Malolos Road mula pa noong Linggo ng gabi dahil sa nanatiling lubog sa tubig-baha.
“Mga trucks lang ang puwedeng dumaan dahil sa may mga bahagi na more than five feet ang lalim ng tubig,” paliwanag ni Santos.
Dahil sa pagdating ng backflood, lumubog ang 20 barangay kahapon kumpara sa walong barangay na lumubog noong Biyernes.
“Kakaiba ang bahang ito, hindi sa ilog dumaan ang tubig, sa halip ay sa mga bukid at mga bakuran, kaya pinaalalahanan namin ang mga barangay officials not only to monitor water level on rivers but on ricelands and fishponds as well,” dagdag pa ni Santos. Dino Balabo