CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang ex-mayor na negosyante sa panibagong karahasang inihasik ng mga rebeldeng New People’s Army kamakalawa ng gabi sa Barangay Plaza, Batuhan, Masbate. Dinukot muna sa loob ng kanyang bahay bago pinaslang si Erlindo Gomez. Sa police report lumilitaw na tumangging magbigay ng revolutionary tax ang biktima sa grupo ni Kumander Luzi Gonzales kaya napilitang isagawa ang pamamaslang na nasaksihan naman ng mga residente. Ed Casulla