^

Probinsiya

Sayyaf attack nasilat ng PNP

-

MANILA, Philippines - Nasilat ng pulisya ang planong pagsalakay ng mga bandidong Abu Sayyaf laban sa himpilan ng 3rd Marine Brigade sa Barangay Busbus, Jolo, Sulu ka­makalawa ng gabi. Ayon kay AFP regional spokesman Major David Hontiveros, dakong alas-10:30 ng gabi nang tangkang salakayin ng mga bandido ang Camp Teodulo Bautista na kinaroroonan ng 3rd Marine Brigade at Joint Task Force Comet. Agad na hinarang ng pinagsanib ng mga tauhan ng 6th at 7th PNP Regional Mobile Group ang grupo ng mga ban­dido sa bisinidad ng Daang Putih na sinasabing pangu­nahing lansangan papasok sa kampo. Dito’y nag­karoon ng bakbakan kung saan nagpaputok pa ang mga bandido ng 60mm mortar na tumama sa dulo ng runway ng Jolo airport. Nagresponde naman ang tropa ng Philippine Marines hanggang maitaboy ang mga bandido. Joy Cantos

vuukle comment

ABU SAYYAF

BARANGAY BUSBUS

CAMP TEODULO BAUTISTA

DAANG PUTIH

JOINT TASK FORCE COMET

JOLO

JOY CANTOS

MAJOR DAVID HONTIVEROS

MARINE BRIGADE

PHILIPPINE MARINES

REGIONAL MOBILE GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with