^

Probinsiya

6 bangkay ng health worker narekober sa landslide

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Na-retrieve na ka­hapon ng madaling-araw ang mga bangkay ng anim na health worker na sina­sabing natabunan ng gu­muhong pu­tik at bato sa loob ng health cen­ter noong Miyer­kules ng tanghali sa bayan ng Taytay, Palawan.

Kabilang sa mga bikti­mang nahukay ay sina Nympha Poras, Josephine He­nanda, Elmie Durian, Crisel­da Satungcacan, Marjorie Dacillo at ang 17-anyos na si Chemelyn Gamarcha na pawang mga residente ng Taytay, Palawan.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Aurelio Trampe, Palawan po­lice director, lumilitaw na nag­tatrabaho ang mga bik­tima sa loob ng municipal health center habang umu­ulan.

Sa hindi inaasahang pag­kakataon ay lumambot ang lupa sa kalapit bundok dahil sa walang humpay na pag-ulan hanggang sa gumuho ang isang palapag na gusali at matabunan ang mga bik­tima bandang alas-12 ng tanghali.

Mabilis namang nagsa­gawa ng rescue at retrieval operation ang mga tauhan ng Taytay Municipal Engineering Office, Taytay police, 413rd Police Mobile Group, Philippine National Red Cross (PNRC) at mga kawani ng munisipyo.

Ayon kay Karen Eugenio, community development organizer ng PNRC, nagawa pang makapag-text si Ga­mar­cha sa kanyang katrabahong daycare worker ng - “andito pa kami sa loob, nasa ilalim ng mesa, 4 kami.”

Agad namang tinawagan nila Eugenio ang cell phone ni Gamarcha pero hindi na ito sinasagot hanggang sa maging out-of-service na.

Natagpuan ang mga bik­tima na pisak ang mga mukha at katawan dahil sa bigat na dumagan sa kanila.- “ Apparently nag cave-in na ang mga bato at lupa sa building kaya naipit silang lahat bago pa namin sila maisalba,” pali­wanag ni Eugenio.

Napag-alamang noong Lunes ay may nalaglag na malaking tipak ng bato sa gilid ng health center mula sa bundok pero hindi ito pinansin ng mga health worker at hindi inasahang magkakaroon ng landslide. Arnell Ozaeta at Joy Cantos

ARNELL OZAETA

AURELIO TRAMPE

CHEMELYN GAMARCHA

ELMIE DURIAN

EUGENIO

JOSEPHINE HE

PALAWAN

SHY

TAYTAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with