17 kawal sugatan sakuna

MANILA, Philippines - Labimpitong sundalo ng Army’s 2nd Scout Ranger Company na sinasabing lulan ng military truck ang iniulat na nasu­gatan makaraang mahulog sa malalim na bangin sa Brgy Pan­da­non sa bayan ng Don Salvador Benedicto, Negros Occidental noong Martes ng madaling-araw.

Sa phone interview, sinabi ni Army’s 303rd Infantry Brigade (IB) Commander Col. Max Caro, naganap ang trahedya sa malapit sa hangganan ng kanugnog na bayan ng Murcia.

Napag-alamang madulas ang kalsada kaya nawalan ng kontrol ang driver hanggang sa bumulusok sa may 20 talampa­kang ba­ngin. Naisugod sa Corazon Locsin Montelibano at Riverside Hospital ang mga biktima maliban kay Pfc Eric Limpiado na kailangang operahan sa ulo. Joy Cantos

Show comments