4 tinodas sa loob ng 24-oras

BATANGAS CITY, Philippines – Apat-katao ang iniulat na na­sawi sa naganap na magka­kahiwalay na karahasan sa loob lamang ng 24-oras ka­makalawa sa lalawigan ng Batangas.

Kabilang sa mga napas­lang ay sina Francis Aytona, negosyante ng Bago-Bantay, Quezon City; Lino Odonio, bus driver ng Calamba City, Laguna; Manuel Amante ng Brgy. Tabangao, Batangas City at isa pang hindi kilalang lalaki.

Sa police report na naka­rating kay P/Supt. Manuel Abu, hepe ng Batangas PNP, lulan ng Nissan (FHA-88) si Aytona kasama ang ‘di-pa kilalang driver nang ratratin ng mga armadong kalalaki­han sa kahabaan ng highway sa Barangay Sta. Rita ban­dang alas-11:45 ng umaga.

Dead-on-the-spot si Ay­tona samantalang naisugod naman sa Golden Gate Hospital ang driver nito.

Samantala, pinagbabaril hanggang sa mapatay ang drayber ng Batangas Express Bus Lines na si Odonio ng security guard ng bus terminal na si Jomar Marquez ng Seal Security and Investigation Services matapos magtalo ang dalawa sa bus terminal sa Brgy. Bolbok.

Bandang alas-8:45 ng gabi, binaril at napatay si Amante ng ‘di-pa kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo sa loob mismo ng kanilang compound sa Sitio Bagong Lipunan.

Dakong alas-6:30 naman ng umaga, isang ‘di-pa ki­lalang lalaki ang pinagbabaril hanggang sa mapatay sa bisinidad ng Barangay Wawa noong Linggo. - Arnell Ozaeta

Show comments