Utol ng governor itinumba

MANILA, Philippines - Napaslang ang kapatid ni Northern Samar Governor Raul Daza makaraang pagbabarilin ng mga ‘di-pa nakilalang kalalakihan sa loob ng cockpit arena sa bayan ng Rosario, Northern Samar noong Biyernes ng hapon. Nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Manolo Daza. Batay sa ulat ni P/Senior Supt. Eusebio Mejos na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pananambang bandang alas-5:30 ng hapon kung saan papauwi na sana ang biktima. Joy Cantos

Show comments