Katiwala sa hacienda nilikida

MANILA, Philippines - Tinambangan at napatay ang isang 50-anyos na katiwala sa hacienda ng mga armadong kalalakihan sa bisinidad ng Brgy. 10 sa Victorias City, Negros Occidental kamakalawa ng hapon.

Napuruhan sa ulo si Romeo Ledesma, taga­pamahala ng Hacienda Jesena sa Barangay Estado.

Batay sa police report na nakarating sa Camp Crame, lulan ng mo­torsiklo ang biktima patungo sa city proper nang ma­kasalubong si kamatayan. Joy Cantos

Show comments