^

Probinsiya

20 bayan sa Bulacan lumubog

- Nina Dino Balabo at Boy Cruz -

MALOLOS CITY, Bula­can, Philippines – Umaabot sa 20 bayan at 33 barangay sa Bulacan ang lumubog ma­karaang magpakawala ng tubig sa Angat Dam sa bayan ng Norzagaray dahil nasa critical level na ka­hapon.

Kabilang sa mga ba­yang naapektuhan ay ang Meycauayan City, Marilao, Bocaue, Sta. Maria, San Jose del Monte City, Ba­lagtas, Guiguinto, Plaridel, Pulilan, Baliwag, Bustos, Angat, Calumpit, Malolos City at mga bayan na nasa coastal area.

Sa panayan kay Engr. Russel Rigor ng Flood Fore­cast and Warning System of the National Power Corp., kinakailangang mag­bawas ng nakade­positong tubig kada 30-mi­nuto upang ganap na ma­kontrol ang level ng tubig matapos malampasan ang spilling level na 210 meters noong nakalipas na linggo.

Ayon kay Rigor, umabot na sa 211.75 metro ang antas na tubig sa nabang­git na dam bandang alauna ng hapon kahapon kung saan mapipilitang magba­was bunsod ng patuloy na pag-ulan na nararanasan sa buong Central Luzon dahil sa bagyong Ondoy.

Gayunpaman, sinabi niya na maaaring humigit pa sa 500 cms ang ka­nilang itatapong tubig de­pende sa sitwasyon.

Ang pag-apaw ng tubig sa dam ay sanhi ng 688 milimetro ng tubig ulan na hatid ng bagyong Ondoy mula alas-8 ng umaga noong Biyernes.

Ayon naman kay Perlita Mendoza, chairman ng Provincial Disaster and Ma­nagement Office, ay nagpakalat na sila ng mga tauhan kasama ang mga kagawad ng Municipal Disaster Council ng iba’t ibang bayan at maging ang mga volunteer na divers upang agad na matulungan ang mga residenteng ina­bot na ng tubig-baha ang kani-kanilang mga bahay.

Sa kasalukuyan ay wala pang napapaulat na na­sawi o nasaktan sa patuloy na pagtaas ng tubig-baha sa Bulacan subalit tinata­yang aabot ng milyong ha­laga ng ari-arian at pa­nanim ang naapek­tuhan ni “Ondoy”.

ANGAT DAM

AYON

BULACAN

CENTRAL LUZON

FLOOD FORE

MALOLOS CITY

MEYCAUAYAN CITY

ONDOY

SHY

TUBIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with