Bahay ng kabesa hinagisan ng bomba

San Miguel, Bulacan, Philippines – Hinagisan ng molotov bomb ng ’di kilalang suspek ang bahay ni Barangay Camia Chairman Melvin Santos dakong alas-8:30 kamakalawa ng gabi. Ang bomba ay hinagis umano ng suspek habang sakay ng motorsiklo. Una ng hinagisan ng bomba ang bahay ng biktima noong Pebrero 2009 at ma­suwerteng nakaligtas. Posibleng konektado sa politika ang insidente. Nagsasagawa ng masusing imbesti­gasyon ang pulisya dito. (Boy Cruz)

Show comments