3 bata lunod, 2 nawawala

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Tatlong batang  lalaki ang iniulat na nasawi samantalang dalawang iba pa ang nawa­wala makaraang tangayin ng tubig-baha habang naglalaro sa ilog sa bayan ng Dasmariñas, Cavite noong Lunes ng hapon.

Ka­bi­lang sa mga nasawi ay sina Fernando Socito, Jerry Millalios, 12; at Daryl Revilla, 9, kapwa nakatira sa Barangay Paliparan, Dasmariñas. Pinag­hahanap naman sina Kent Brian Revilla, 11; at ang nakababatang kapatid na si Kobe Mel Revilla, 6. Ayon sa police report, naglalaro ang mga biktima kasama ang pitong iba pa habang nanghuhuli ng talangka sa may ilog ng Pasong Buwaya sa Barangay Pali­paran nang biglang dumaloy ang malakas na tubig sa ilog ban­dang alas-2:00 ng hapon.

Natagpuan ang bangkay ni Daryl Revilla sa bahagi ng Barangay Salawag habang si Jerry Millalios naman ay sa ilog ng Barangay Anabu sa bayan ng Imus, may walong kilometro ang layo mula sa Barangay Paliparan. Nailigtas naman ang pitong kalaro ng mga biktima matapos rumesponde ang mga tauhan ng emergency response unit. Arnell Ozaeta at Cristina Timbang

Show comments