NPA nanunog

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P8 milyong halaga ng mga bulldozer, backhoe at ibang heavy equipment sa tangga­ pan ng Dole Philippines sa Barangay Anahaw Daan, Tago, Surigao del Sur ang sinunog ng mga rebeldeng New People’s Army maka­raang salakayin ng mga ito ang nasabing establismi­yento kamakalawa ng uma­ga.

Hininalang may kaugna­yan sa revolutionary tax na hinihingi ng NPA sa kum­panya ang motibo ng panu­nunog. (Ricky Tulipat)

Show comments