Kundoktor binaril

MANILA, Philippines - Nasawi ang kundoktor na si Dick Roberto, 34, matapos na barilin ng di kilalang suspek habang sakay ng Philippine Rabbit bus sa bayan ng Narvacan, Ilocos Sur kamakalawa. Bigla na lang umanong nilapitan ng suspek ang biktima habang nagbababa ito ng bagahe at saka binaril. Agad naman isinugod sa ospital ang mga nadamay na pasahero na sina Genalyn Bragas, 16 at Josie Sales, 43. Iniimbestigahan ng pulisya ang insi­dente. (Joy Cantos)

Show comments