Paaralan nasunog

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines  – Tinupok ng apoy ang isang paaralan ng kolehiyo na itinuturing isa sa pinaka­ma­tandang gusali matapos itayo noong 1960 sa lalawigan ng Quirino.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), ang sunog ay nagmula sa ikalawang palapag ng Cagayan Valley Colleges sa Cabarroguis, Quirino dakong alas-5:00 ng umaga noong Huwebes

Dahil sa luma na ang paaralan ay mabilis na kumalat ang apoy at tuluyan ng nilamon ang limang silid-aralan, dalawang libraries at isang audiovisual room. Agad naman na rumesponde ang mga kagawad ng BFP. (Victor Martin)

Show comments