4 kidnaper napatay

MANILA, Philippines - Apat na pinaghihina­laang miyembro ng kidnap-for-ransom gang ang napatay sa magka­kahiwalay na engku­wentro sa mga operati­ba ng Police Anti-Crime Emergency Response, Joint Special Operations Group ng Armed Forces of the Philippines at iba pang unit ng pulisya na nagresulta sa pagkaka­sagip sa isang negos­yanteng Filipino Chinese sa lalawigan ng Rizal kahapon ng madaling araw.

Da­la­wa sa mga sus­pek ay napatay sa pa­ki­kipagba­rilan sa mga ope­ ratiba ng PACER at Rizal Police bandang alas-3:35 ng madaling araw sa Taytay at ang da­lawa pa ay sa isang subdivision naman sa Cainta na pawang nasa Rizal. Isa namang kasa­mahan ng mga ito ang nakata­kas.

Kinilala naman ang nailigtas na ne­gosyante na si Orson Tan, 30-an­yos at resi­dente ng Fair­view, Que­zon City. Si Tan ay kinid­nap ng grupo sa Nova­liches, Quezon City noong Set­yembre 17.

Si Tan ay kasaluku­yang nasa tanggapan ng PACER sa Camp Crame at isinasailalim sa masu­sing debriefing kaugnay ng hot pursuit operation sa iba pang mga kasa­ma­han ng mga suspek.

Inihayag ni Nerez na natunton ng mga awto­ridad ang kinaroroonan ng mga suspek mata­pos na isumbong ng mga concerned citizen ang Toyota Innova XCS -702 ng negosyante na naka-flash alarm na sa mga pulis na bumagtas sa ka­habaan ng Peace St., San Andres, Cainta.

Matapos na makum­pirmang ito ang behi­kulo ni Tan ay agad itong si­nun­­dan ng mga awtori­dad kung saan nang ma­pansin ng mga kidnappers na sinu­sundan sila ng mga operatiba ay pi­naha­gibis ang sasak­yan na humantong sa palitan ng putok mata­pos na makorner ang mga sus­pek.

Show comments