Peryahan pinasabog: 2 todas, 15 sugatan

MANILA, Philippines - Dalawang sibilyan ang kumpirmadong nasawi ha­bang 15 iba pa ang nasu­gatan makaraang suma­bog ang granada na iniha­gis ng mga armadong gru­po ng kalalakihan sa per­yahan noong Miyerkules ng gabi sa Brgy. Tubig Puti, sa bayan ng Luuk, Sulu.

Kasalukuyan pang ina­alam ang mga pangalan ng dalawang nasawi ha­bang naisugod naman sa Integrated Provincial Hospital sa Jolo, Sulu ang mga na­sugatan.

Ayon sa spokesman ng AFP-Western Mindanao na si Major David Hontiveros, naganap ang insidente dakong alas-11:40 ng gabi kung saan nagkakasiyahan ang mga tao sa peryahan.

Nayanig ang lupa sa pag­sabog ng granada kung saan nagpanakbuhan ang mga tao habang nakabu­lag­ta naman ang dalawa na duguan.

Noong Lunes ay hina­gisan din ng pampasabog ng mga bandido ang US troops habang nagbababa ng supplies sa pier ng Jolo, Sulu.

Sinisilip ng mga awto­ridad ang anggulong may kinalaman ang mga ban­didong Abu Sayyaf sa naganap na pagpa­pa­sabog.

Show comments