Magtiyuhin tumba sa ambus

BATANGAS, Philippines – Sinikwat ni kamatayan ang chairman ng Bantay-Dagat at ang kanyang pamangkin makaraang ratratin ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan sa gasolinahan sa Barangay Poblacion sa bayan ng San Juan, Batangas kahapon ng umaga. Kabilang sa napaslang ay sina Marcel De Chavez, 48, chairman ng San Juan Bantay Dagat, at Roel Banog, 37, kapwa nakatira sa Brgy. Pi­nag­bayanan, San Juan. Ayon kay P/Supt. Manuel Abru­gena, nagpapagasolina ng owner-type jeep (DKJ-372) ang magtiyuhin sa Petron gas station nang lapitan at ratratin bandang alas-11:30 ng umaga. Arnell Ozaeta

Show comments