Mag-utol todas sa landslide

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Maagang nagwakas ang buhay ng mag-utol na batang babae makaraang matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang bahay sa gilid ng ilog sa Sitio Kamkaman sa Barangay Real, Ca­lamba City, Laguna kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Senior Supt. Manolito Labador, Laguna police director ang mga biktimang sina Nancy Nierves, 5; at Nerissa, 3, na namatay habang isinusugod sa Jose P. Rizal Memorial Hospital. Napag-alamang natutulog ang pa­mil­yang Nierves nang bigla nalang dumausdos ang lupa sa gilid ng kanilang bahay at tuluyang matabunan ito bandang alas-11:30 ng gabi. Arnell Ozaeta

Show comments