^

Probinsiya

5 lalawigan sa Luzon lumubog

-

MANILA, Philippines - Limang  lalawigan sa Lu­zon ang  lumubog sa tu­big-baha kung saan uma­abot na sa 21,969 pamilya na may kabuuang 103,383 katao ang apektado dulot ng patuloy na malalakas na pagbuhos ng ulan na dala ng bagyong Maring habang isa na namang Low Pressure Area (LPA) ang nasa ba­hagi ng hilagang kan­luran ng Dagupan City, Pangasinan.

Sa ulat ni National Disaster Coordinating Council Executive Director Glenn Rabonza, kabilang sa naapektuhan ang ilang lugar sa Nueva Ecija, Zam­bales, Bataan, Pam­panga at Bulacan.

Bunga ng matinding pagbaha ay isinailalim na sa state of calamity ang ba­yan ng Dinalupihan, sa Ba­taan matapos na grabeng maapektuhan ang mga Barangay Layac, Daang Bago, Sta.  Isabel kung saan inilikas sa Dinalupi­han Sports Complex ang nasa 150 pamilya na may kabuuang 675-katao mula sa Barangay Pentor.

Samantala, apektado rin ng tubig-baha ang mga bayan ng Pilat, Hermosa, at Morong kung saan aabot sa 33 barangay ang lumu­bog sa tubig-baha kay inili­kas ang 10,886 pamilya na may kabuuang 48, 526 katao.

Umaabot naman sa 612 pamilya  (2,405 katao) mu­la sa anim na Barangay sa bayan ng Botolan, Zam­bales ang apektado ng tubig-baha kung saan bi­naha rin ang 16 barangay sa bayan ng San Felipe at San Mar­celino.

Apektado naman ng landslide ang Brgy. Putlan, Carranglan, Nueva Ecija  sanhi ng walang humpay na mga pag-ulan sa lugar at bunga nito ay isinara sa motorista ang bahagi ng national highway sa lugar.

Aabot naman sa 44 barangay sa bayan ng Gua­gua, Sasmuan, Flori­da­blanca, Apalit, Masantol at sa San Fernando City sa Pampanga ang lubog sa tu­big-baha kung saan aabot sa 9, 894  pamilya (498,879 katao) ang apek­tado.

Nasa 22 barangay na­man mula sa mga bayan ng Meycauayan, Balagtas, Marilao, Calumpit at sa bayan ng Guiguinto sa Bulacan  ang naapektuhan ng pagbaha.

Sa iba pang mga lugar ay nasa 2, 122 pamilya (9,348 katao) ang kasalu­kuyan kinukupkop sa mga evacuation center.

Naitala naman sa P6,416,450.60 milyong ha­laga ng agrikultura ang napinsala sa Pampanga at Zambales. 

Inihayag pa ng opisyal na ang southwest monsoon rains ay nakaapekto sa Luzon  at Visayas na nagdulot ng landslide at mga pagbaha sa Regions III, IV-A, IV-B, National Capital Region at sea mishaps sa Regions VII at VIII. Joy Cantos

BARANGAY

BARANGAY LAYAC

BARANGAY PENTOR

BULACAN

DAANG BAGO

DAGUPAN CITY

JOY CANTOS

NUEVA ECIJA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with