^

Probinsiya

6 kinasuhan sa pagpatay ng lider ng Ilocos Cooperative

-

LAOAG CITY , Philippines  – Kinasuhan na ng pulisya ang anim na kalalakihan na sinasabing mga pangunahing suspek sa pagpaslang kay Ilocos Norte Electric Cooperative (INEC) president Lorenzo Rey Ruiz nooong Biyernes ng (Sept 4) sa bayan ng Currimao, Ilocos Norte.

Kabilang sa mga suspek na kinasuhan sa Provincial Prosecutor’s Office ay sina Saturnino Pagaling, Victor Ca­hodoy, Noel Aurellano na kapwa naaresto; Jonathan Bagamaspad na kawani ng INEC; at dalawang iba pa. Sinasabing si Bagamaspad ang mastermind ng krimen dahil sa nakabinbing kasong administratibo kaugnay ng paglustay ng pondo ng INEC.

Si Ruiz na kasalukuyang pangulo ng INEC board ang nangunguna sa imbestigasyon ng malversation case na sina­sabing nakatakdang ilabas ang desisyon na pina­niniwalaang hindi pabor kay Bagamaspad.Isang outstanding lider ng kooperatiba si Ruiz na sinasabing magtatapos ang termino sa INEC sa buwang kasalukuyan at gustong linisin ang INEC bago humarap sa mga miyembro ng panibagong board election sa Oktubre 2009. (Teddy Molina)

vuukle comment

BAGAMASPAD

ILOCOS NORTE

ILOCOS NORTE ELECTRIC COOPERATIVE

JONATHAN BAGAMASPAD

LORENZO REY

NOEL AURELLANO

PROVINCIAL PROSECUTOR

RUIZ

SATURNINO PAGALING

SI RUIZ

TEDDY MOLINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with