CAMARINES NORTE , Philippines – Humihingi ng piso sa mga mag-aaral ang local na sangay ng Department of Education sa Camarines Norte para maisalba ang buhay ng isang guro na sinasabing may malubhang sakit sa bato. Si Juanita A. Apigo, education supervisor I ay kasalukuyang nasa ospital kung saan aabot sa P1.5 milyon ang gastusin sa kidney transplant.
Dahilan sa kakulangan ng pananalapi, humingi ng tulong si Nixon Sta. Ana Olfindo, Ph.D, ex-president ng regional and division ng Student Technologist and Entrepreneurs of the Philippnes Advisers Association (STEPAA) na tulungan ang kanilang kasamahan sa organization at maging ang mga estudyante na mag-ambag ng piso para sa kidney transplant ni Apigo.
Ayon sa doctor, kinakailangan ang kidney transplant ni Apigo upang maisalba ang buhay nito. Sinuportahan at sinang-ayunan naman ni assistant school division Superintendent Arnulfo M. Balane, Ll.B. ang nasabing proyekto. (Francis Elevado)