7 kolektor ng jueteng arestado

BULACAN, Philippines – Pito-katao na sinasabing kolektor ng jueteng ang iniulat na dinakma ng mga awtoridad habang nakumpiska naman ang limang makina ng video karera sa isinagawang ope­rasyon laban sa pasugalan sa limang barangay sa San Mi­guel, Bulacan kamakalawa.

Kabilang sa mga suspek na kina­suhan ng pulisya ay sina Julieta Ferrer, Luzviminda Dela Funte, Saturnino Flores, Leonardo Julian, Isabelo Adriano, Eugene Adriano,at si Lucia Fernando.

Kinumpiska naman ang limang makina ng video karera sa mga bahay at tindahan nina Maylene Valdez, Lauro Mariano, Ernesto De Vera, Robert Santos at Alfon­so Guevarra sa mga Brgy. Salangan 1, San Jose at sa Ba­rangay Batasang Matanda. (Boy Cruz)

Show comments