Katutubo, gagawing '007' ng PDEA

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Magiging tiktik ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cagayan Valley ang mga katu­tubong mapipili sa pagitan ng Kalinga at Isabela para tumu­­long sa pag­sugpo ng bawal na droga.

Ayon sa hepe ng PDEA na si P/Chief Insp. Primitivo Bayongan, malaki ang maitutulong ng mga katutubo kung sila ang gagawing tiktik dahil bukod sa hindi sila baguhan sa paningin ng mga nagtatanim ng marijuana ay ka­bi­sado nila ang kagubatan kung saan nakatanim ang marijuana. “They are always at risk of getting killed by members of syndicates who cultivate marijuana plantations for mere suspicion of being a government agent,” pahayag ni Bayongan.

Noong Miyerkules lamang ay 10,000 tangkay ng marijuana na nagkakahalaga ng P2 milyon ang winasak ng mga awtoridad sa kagubatan ng Sitio Bangar-bangar, Ban­nawag sa pagitan ng Tabuk, Kalinga at Quezon, Isabela.

Dahil dito, ang pag­tatalaga ng PDEA ng mga katutubo bilang ahente ng kanilang ahensiya ay ina­asahang magtatagumpay upang matigil na ang marijuana plantation. (Victor Martin)

Show comments