Bunso tinodas ni kuya dahil sa ulam

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Dahil sa na­wawalang ulam na kar­ne, isang nakakatan­dang kapatid ang binaril at na­patay ang kanyang bun­song kapatid matapos mag­talo sa loob ng kani­lang bahay kamakalawa ng gabi sa Purok 5, Barangay Manguisoc, Mercedes, Ca­ma­rines Norte.

Nakilala ang biktima na si Andres Salvador, 38, may asa­wa at residente ng natu­rang lugar.

Nadakip naman ng pulisya ang suspek na si Rustom Sal­vador, 39 , may asawa at re­sidente ng nabangit na lugar.

Nauna rito, natutulog ang biktima sa loob ng kanilang bahay bandang alas-7:00 ng gabi nang dumating ang suspek na lango sa alak at naghaha­nap ng ulam sa mesa.

Agad naman na ginising ni Rustom si Andres at tinanong ito kung nasaan ang kanyang ulam na kar­ne subalit itinanggi naman ng biktima na inubos niya ito.

Nagkaroon ng maini­tang pagtatalo ang magka­patid hanggang sa nagbu­not na lamang ng baril ang suspek at binaril ang bik­tima hang­gang masawi ito. (Ed Casulla)

Show comments